Ang mga Problema ng mga Lalaki sa mga Babae

Panimula

Tagalog. Ito ang gagamitin kong wika sa blog na ito. Kahit na English ang ginagamit ko kapag nag-eemote sa sarili, mas ok kapag tagalog ang ginamit ko kapag nag-eemote sa ibang tao. Mas madaming expressions ang magagamit ko at mas madali ipaintindi ang point ko.

Sa mga babaeng mambabasa, wag sana kayong magalit. Walang personalan. Pero tingin ko sasang-ayon naman kayo sa mga sasabihin ko.

Sa mga lalaking mambabasa naman, sigurado ko marami ding sasang-ayon sa inyo dito. Hindi lang sa Pilipinas, kahit sa buong mundo.

Ang mga sumusunod ay nagmula sa kung saan-saang sources. Base sa sarili kong karanasan, sa karanasan ng ibang lalaki (na nakausap ko ng personal) at sa mga nababasa ko sa Internet.

Madalas ang Away, Bihira ang Pagtatalo

Mahirap intindihin, pero magtiwala kayo, maiintindihan nyo ang ibig sabihin ng┬áMadalas ang Away, Bihira ang Pagtatalo – lalo na yung mga lalaki. Ano ba ang away? Yung tipong may hindi kayo pagkakaintindihan. Badtrip o galit kayo sa isa’t isa. O kahit yung isa lang ang galit. Normal lang ang mag-away. Kung walang away, boring ang relationship nyo at malamang naglolokohan lang kayo. Para kang nagbeach tapos di ka nagswimming – pwede naman kaso walang kwenta.

Madalas talaga mag-away ang magkasintahan. Tungkol nga ba san? Sa selos, madalas. O kaya dahil late yung isa. O kaya may nalimutan. O kaya, wala lang. Oo, wala lang. Mamaya ko na ididiscuss yan. Ang punto ko lang, wag ka magtaka kung lagi kayong nag-aaway ng kasintahan mo. Pero sino ba talaga ang madalas magsimula ng away? Di ko alam, pero para sakin, babae talaga. Hindi ko na idedefend, wala naman akong pruweba.

Kahit madalas mag-away ang magsyota, isipin nyo kung ganun din ba kadalas magkaroon ng pagtatalo. Hindi diba? Ano ba ang pagtatalo? Yung tipong may magkaiba kayong pinaniniwalaan at pareho nyong pinaglalaban yun. Parang debate. Actually, debate nga talaga. Alam nyo bang tuwing may nakikita kong babaeng member ng debate team, namamangha ako. Kasi para sakin rare yung babaeng mahilig makipag debate – at least sa kasintahan nila.

Take note ha, na ang debate, may logic at reason. Kapag sumigaw ka lang ng sumigaw ng “Hindi! Sinungaling ka talaga! Wala kang kwenta!” pero hindi ka naman nagbibigay ng dahilan kung bakit mo nasabi yon, at hindi mo rin hinahayaang magpaliwanag ang kabilang panig, please lang sana maintindihan nyong hindi debate yun. Di ko alam ang tawag dun.

Kaya naman dederetsuhin ko na kayo mga girls – hindi naman lahat, pero marami sa inyo ayaw makipagdebate sa mga kasintahan nyo. Yung tipong kapag may napagdesisyunan ka na na yun ang katotohanan, tapos na, hindi na pwedeng mapalitan yun. Hindi ka na pwedeng maconvince. Hindi na kailangan ng paliwanag. Minsan kunwari makikinig kayo, pero useless lang. Papasok lang sa isang tenga at lalabas sa kabila. Madalas lalo lang nagagalit kapag nagpapaliwanag ka. At imposible ka talagang manalo sa “pagtatalo” nyo.

Madalas pag nag-away na, tatahimik na lang kayo. Hindi nyo na kami kakausapin. Tanong lang, ano ba talaga gusto nyo gawin namin sa ganung sitwasyon?

A.) Ituloy lang ang pangungulit

Dalawa ang pwede mong gawing pangungulit – pwedeng ipilit mo ang point mo at sabihing mali sya, or magsorry ka at sabihing tama sya. Pero sa totoo lang, wala ding kwenta kahit ano sabihin mo. Basta kulitin mo sya, mas lalo lang syang maiinis. Hindi ko alam kung bakit. Parang bawal magpaliwanag. Pag galit sya, kahit mahala ka nya, muka kang kaaway nya.

B.) Tumahimik na lang at palampasin

Ok sana to, kaso anong nangyari? Naayos ba ang problema? Nalaman nyo ba kung anong pinag-awayan nyo at nasolusyonan nyo ba? Madalas hindi. Hihintayin nyo na lang humupa ang galit nyo at pag nawala na, ok na ulit. Labing labing na ulit. Ok yun, pero para kayong nagwalis pero hindi nyo dinakot yung nawalis nyo, bagkus tinago nyo sa ilalim ng sofa. Sigurado konting ihip lang ng hangin lalabas ulit ang alikabok na winalis nyo.

So in short, isa sa problema namin eh yung pakikipagdebate nyo. Ayaw nyo makipag-usap kapag galit. Ayaw nyo pag-usapan yung away at kung pano maaayos yun. Hindi naman lagi, at hindi din lahat ng babae, pero madami sa inyo ganun. Sayang lang. So guys, pag may date kayo ng gf mo at nalate ka, at pagdating mo ay nakasimangot na sya at ayaw ka kausapin, patay ka na. Ok sana kung magrereklamo sayo at tatanungin ka kung bakit ka late. Pero kung hindi, at hindi ka na lang kinausap bigla, pano na? Girls, pano na nga ba?

Sinungaling

Wala kong ibang maisip na salita na hindi masyadong masama pakinggan, pero wala talaga eh. Yun na talaga eh – sinungaling. Pano nga ba sila naging sinungaling? Simple lang:

bf: Uy ok ka lang ba? Galit ka ba?

gf: Ok lang. Hindi ako galit. :|

Ano gets nyo na? alam naman nating lahat na habit na ng mga babae na sumagot ng ganyan kahit na galit naman talaga. Pero bakit nga ba? Dahil ba obvious naman na galit sila at di na kailangang magtanong? Di rin namin alam. Gusto lang namin makasigurado. Pero muka kaming tanga at tinatanong pa namin, eh 99% naman eh “ok lang” ang sagot. Eh bakit hindi na lang sumagot ng oo?

Pero wag kayong mag-alala. Alam naman namin eh. Siguro mukang tanga lang tayong lahat. Magtatanong kami kung ok ba kayo, at sasagot kayo ng ok. Pero alam naman nating lahat na hindi kayo oo. Ang gulo lang noh? Pero hindi talaga yun ang problema. Ang pinaka problema eh yung susunod kong sasabihin.

Kailangan Palaging Alam Namin Lahat

Siguro alam nyo na agad kung anong ibig kong sabihin dito. Hindi na nga kailangan ipaliwanag pa, pero gagawin ko pa rin. Nakakainis kasi na nakakatawa.

bf: Bakit ka ba galit? Ano ba nagawa ko?

gf: Ewan ko sayo! Dapat alam mo kung ano ginawa mo!

Girls, please lang, maawa kayo samin. Seryoso, kapag tinatanong namin kung ano nagawa namin, hindi kami nang-aasar. Hindi kami nanttrip. Alam nyo kung bakit namin tinatanong, kasi hindi namin alam. Totoo, hindi talaga namin alam kung bakit kayo nagagalit kapag tinatanong namin. Ang di namin maintindihan ay bakit ayaw nyo sabihin. Bakit ba kailangan pa pahulaan samin? Bakit ba kailangan pa pahirapan kami sa pag-iisip kung ano yun? Madalas nagiging parang pinoy henyo eh..

bf: dahil ba sa sinabi ko kanina? May nakita ka ba sa fb? May nagawa ba ko? May nalimutan ba ko?

Ano ba talaga ang point ng pagpapatagal pa? Bakit kami madalas sinasabi na namin agad? Siguro nag-eenjoy kayo pahirapan kami. Pero seryoso, hindi ko alam ang point kung bakit nyo ginagawa yun. May nakausap akong babae, at sinabi nya na ganun daw talaga. Pero hindi nya rin maexplain kung bakit. Haha. Sayang.

Ang lumalabas tuloy samin, parang nagagalit kayo dahil wala lang. Alam namin may dahilan, pero ayaw nyo sabihin. Nakakbaliw yun. Parang pinagttripan nyo lang kami. Para ngang “wala lang.” Kagaya ng sinabi ko kanina, pwede ring pag-awayan ng magkasintahan ang wala lang. Minsan dahil sobrang babaw ng dahilan, minsan dahil ayaw sabihin kung bakit. Pasaway.

So pano na ulit? Di mo naman alam kung ano ginawa mo, so pano ka magsosorry? Sasabihin mo “sorry sa nagawa ko” pero maiinis sya lalo kasi di mo naman alam kung ano yun. So kagaya kanina, siguro hayaan mo na lang ulit. Pero ano? Ganun ulit, hindi nyo ulit napag-usapan yung problema. Sayang lang talaga.

Madami pa sigurong problema ang boys sa girls, pero hanggang dito na lang muna. Don’t worry, alam ko may problema din ang girls sa boys. Sa katunayan, I dare you girls na sabihin din samin kung ano ba problema nyo samin. No hard feelings, girls. Naisip ko lang siguro mas magiging healthy ang relationship kung at least ittry nyo baguhin yung mga nabanggit ko. Promise, kami din willing baguhin yung mga problema nyo samin. :)

About these ads

~ by Maynard / Excel on April 21, 2012.

50 Responses to “Ang mga Problema ng mga Lalaki sa mga Babae”

  1. tama ka tol

  2. ganyan nga talaga, tama ka sa sinabi mo tol, gusto lang naman natin na makipag ayos agad sa kanila pero bakit galit agad pinapa iral nila?! 7months na kmi ng gf ko pero khit ganun lang mahal na mahal ko sya =) marami na kming pinag awayan, pinagtaluhan, at ilan beses na rin syang ngpasyang mghiwalay kmi, pero nagkaka ayos din agad, matibay na relasyon nmin pero long distance nga lang kmi.. dhey from Pampanga

  3. Ganun nga ba dapat…

  4. Bro, kung gusto mo malaman mga kasagutan sa iyong mga katanungan, im just a few steps away from your room.. pero dahil unli call ka, u can just CALL ME MAYBE?! hehehe… alam ko lahat ng kasagutan sa mga yan.. kung may gusto ka maintindihan sa mga babae dapat ako ang iyong tinanong noh!!! DR. LOVE yta ako dati.. dami nag eemail skin na boys and girls from everywhere seeking for my advice.. hehe.. true yun noh!

  5. hay nako. bakit kami baligtad. ako yung lalaki siya yung chix! LOL dude nga ako.–cat pusa
    p.s. hahahaha pero praning din kasi ako

  6. naglalambing lng kame, kung minsan kc nawawala ung atensy0n na guxto namin mula sa inyo lalo na kapag nakakaramdam kame ng selos, sadyang ganun lng tlga kame mag mahl..<3 jaylou21

  7. ang tanong pag direkta ba ang babae sa pag sagot sa mga tanong nyo e sasagot din ba kau ng totoo? =)

  8. kabaliktaran namn sakin..parang ako ung boy ..:/..pero ok lng…pero eto lang ahh..d rin lge ganun ang nangyyri..minsan kasi kami mga babae grabe kmi mgalit pero mahina kami pag dating na sa bf d namn kaya sabihin kung anu tlga prblema.lalo na pag nagselos!!!..minsan iniiyak nalang kasi pride nalang namin ngpaplakas ng loob namn ei…kami mga babae kahit ganu kalaki galit namn lambingin lng kami ok na..pero kayo mga boys hirap nyo ..bsta mhrap ung tipong nagsorry kana ,ssbhn nia nptwd na kita,,pero bakit ganun paulit ulit parin sinusumbat sayo kaht alm niang pngsisihan muna ung ngwa mu at d muna inulit..Parang nagkaron ka ng UTANG na di mu MABABAyaran kelan man…tsk..

  9. kabaliktaran namn sakin..parang ako ung boy ..:/..pero ok lng…pero eto lang ahh..d rin lge ganun ang nangyyri..minsan kasi kami mga babae grabe kmi mgalit pero mahina kami pag dating na sa bf d namn kaya sabihin kung anu tlga prblema.lalo na pag nagselos!!!..minsan iniiyak nalang kasi pride nalang namin ngpaplakas ng loob namn ei…kami mga babae kahit ganu kalaki galit namn lambingin lng kami ok na..pero kayo mga boys hirap nyo ..bsta mhrap ung tipong nagsorry kana ,ssbhn nia nptwd na kita,,pero bakit ganun paulit ulit parin sinusumbat sayo kaht alm niang pngsisihan muna ung ngwa mu at d muna inulit..Parang nagkaron ka ng UTANG na di mu MABABAyaran kelan man…tsk..

    • “bsta mhrap ung tipong nagsorry kana ,ssbhn nia nptwd na kita,,pero bakit ganun paulit ulit parin sinusumbat sayo”
      -tama, baliktad nga sayo, kasi alam ko babae rin gumagawa nyan, diba? Bihira kaming mag-ungkat ng mga kwentong matagal na para lang ipanumbat. Siguro kung fresh pa, pwede pa, pero kung buwan na ang nakalipas, usually wala na yun samin.

  10. OO,NGA PERO MAY DAHLAN NMAN KNG BKIT NGSSLOS UNG BABAE DBA ,BKA MAY GNAWA KYONG KLOKOHAN N D GSTO NG BABAE,,,,,

  11. wow naka2relate naman?

  12. ]haai naku dios ko hindi na talaga normal ung manga away namin halos minuminuto nlng mga walang kwentang bagai nahuhulog lagi sa away parang ayaw kuna pero sobra ko syang mahal anu nga bang gagawin ko

  13. ayun lang naman… katapat pag ganun nag papalambing lang… okay na…
    pero di naayos problema? haha…hirap talaga eh no..haha

  14. nag search ako sa google bout “bakit ba madalas mag away ang mag bf/gf?” kasi dalas namin mag away ni bf napag tripan ko lang isearch haha!! then nakita ko po itong blog nyo..it makes me smile na kasi nakakrelate at yung iba talaga totoo hahhaha!! salamat at naligaw po sa blog mo. godless :)

  15. HAHA xD nice kuya ! so true . tinamaan ako
    sa mga pag.uugali naming mga babae dhL
    ganyan din po ako . well sana nga po ay my
    magbago sa pag.uugali namen para mas
    tmagal pa po ang relationship namen ng Bf
    ko .

  16. nakakarelate nman yun sana nga wag na kming mag away ng bf ko?

  17. bago2 pag my time,.,

  18. wooow relate much

  19. nag away kme ng bf q, kc pinaloadan nya q, eh yung time na yun nsa school aq, 4rt yr na ko.. then hindi q npansin ung text nya, kc busy aq syaka nag ddiscuss ung teacher q. tama bang sabihin nya saken na wag na akong magtext sa kanya?? di ko lng sya nareplayan.. bakit may ganya? hindi nya b ko naiintindihan? sbe pa nya ubusin q nalang ung load q sa BAGO ko??? BAGO??? grabeeee !!!!!!!!!!!! ang sakit! ganun pla tingin nya sken? so nag paalam aq sa knya n di ko muna sya guguluhin.. never q syang tnext.. ni SORRY wala qng narinig sa kanya!! never nya din akong tnext grabe.. bkit may mga lalaking ganyan?? sbhin nyo nga???

  20. ang mga lalaki sadyang mayabang at ma pride..ang mga babae likas na maarte at madaling suyoin pag nagagalit….

  21. ..’ hahaha ganun paLa yun? parehas Lang nang naiisip? na baka pinagttripan Lang. Hindi naman sa pinahuhuLaan namin yun…. Gusto Lang namin na aminin nyo yung ginawa niyo :P

  22. hindi man kami nag papansinan simula nung naging kami ng bf ko hahahaha

  23. OK :) !

    AHAHAHA !! .. GANYAN NGA YUNG PROB. NAMEN :D

    PERO AYOS LANG :) ! DI NAMAN KAMI NAG HIHIWALAY :D ! ..

    ANG ANGAS NG RELASYON NAMEN .. KAHIT 11 months NA KAME :) PARANG WALANG PINAG BAGO .. SWEET PAREEN WAHAHA :D !

  24. hahaa relate much

  25. ganyan din kmi nag gf ko mag away hnd ko nag alam bkt ganun cla

  26. Totoo yan pare. tangina. kagabi lang, sabi ko dadaan ako sa megamall, kc my inutos tatay ko sakin abang kna sa pilahan pra my pila na tayo. napatagal ako kc 5th floor pa un, tpos hinanap ko pa ung philcare, tpos sa starmall xa nagaantay, walanju, I am pretty sure na maximum time na ngamit ko is 30mins. Pag dating ko galit na galit, tpos d na ako kinausap. e samantalang nung nag antay ako, xa naman jolibee lng sa loob ng starmall 30minutes din. dq nmn ginanyan. at ang matindi, halos 2hrs akong pinagintay sa SM one time. dq mkalimutan. pero wala lng skin. pero ung pinaalam ko na may kukunin lng ako kc inutos ng tatay ko. grabe.

  27. Nice. Medyo RELATE PO :(

  28. ..qanYan taLaga!
    kaya lnq naman
    nag aaway or
    nag seselos ung girl kasi mahal nya c boY !

  29. alam nyo kc mga boys. keya kaming mga babae ay nagkkganyan na hnd nyo maintihan simple lang, gusto lang namin ng lambing

  30. natawa naman akoo dito :)) ganun din ako topakin lng cguro ganun .. pero sweet :)

  31. two thumbs up ako jan MAYNARD. Parang ang sarap mo tuloy mahalin :-) Ang dami mong alam eh.. Nice. Ang galing mo panalo!.. may sense of humor. Pero sana lng para sa mga lalaki, pag my argument kau ng gf mo please lng paramdam mo na sincere ka sa pagsosorry at say sorry kung may nagawa kang hindi nya nagustuhan at pag usapan nyo.. Kami naman kaseng mga girls eh madaling mawala ang galit basta feel namin na sincere kayo sa pagsosorry.. hindi ung nagsosorry nga labas nman din sa ilong. Tips lng para di na lumaki ang gulo :-)

    • Haha natuwa naman ako sa “Parang ang sarap mo tuloy mahalin” :p
      Dun sa pagiging sincere, mahirap din kasi eh, pano ba? Minsan pag nagsosorry ako sincere naman ako pero akala nila hindi. Kelangan ba naiiyak iyak palagi? hehe.

      • Nakakatawa pero OO..hehehe..mas feel namin mga babae yun tipong naiiyak na tlaga ang bf tapos yun tipong lumuluha tlga..hehehe.. nakakatawa kc na may konteng guilt pag nakita nmin ganun c bf.. pag ganun kc mas na fifeel namin mga girls na sincere nga.. minsan kc ganyan tlga kapming mga girls..tupakin pero masarap mahalin..lol :-D

      • Ay grabe ganun pala yun. Paminsan minsan naluluha rin naman talaga ko. Minsan dahil talagang sobrang sincere pero minsan dahil sa sobrang di ako mapakali dahil ayaw pa rin ako patawarin. Haha.

  32. Ang galing, saktong-sakto sakin to. Lagi rin kami nagtatalo ng Bf Ko. At tama ka, #1 ang selos, Siguro kasi dahil sa sobrang mahal Ko Siya. Natural Lang naman di ba na selosa Kaming mga babae? Sumunod na madalas namin na pinag aawayan eh yung “Wala Lang”..haha
    Eh kasi nga likas din naman saming mga babae ang moody. Topakin Kung baga, biglang nagagalit ng walang dahilan.
    Tama ka din na mas mabuti Kung napagtatalunan niyo Kung ano man yung pinagmulan ng inis or galit.
    Para mas madaling ayusin Kung ano ang problema. Kesa sa Hindi na Lang kikibo or papalipasin na Lang. Walang maaayos.
    At Siguro girls, mas ok Kung sasabihin natin Kung ano yung ayaw natin sa mga ginagawa nila para next time Hindi na nila uulitin.
    At Kung maulit man, may rason na Talaga tayo para magalit.

    At samin ng bf Ko, Hindi nagtatagal samin ang away. Inaayos namin agad at napaguusapan. Going 2 years na Kami sa June.

    Hi Maynard, thank you para dito..:)
    P.S
    Sorry super haba ng comment Ko..God bless..:)

  33. hahaha natawa tuloy ako totoo. namn eh .
    ganyan n gayan kame ng bf ko. hahaja
    bukas 10 months n kame .peo magkagalet Kane ngaun .

  34. Guys salamat sa mga nagcocomment dito. :) Marami pa rin palang nagbabasa nitong post na to kahit matagal na to… haha

  35. iba naman sa amin yung bf ko yung di namamansin pag nag aaway kami. bakit ganun kuya?

  36. Ang mga babae po kasi ay sadyang magugulo ang mga isip. Lambing at matatamis na salita lang namin kasi ang kailangan ng mga babae pag nag-aaway kayo eh kahit naman hindi kayo nag-aaway. Hindi yung dadagdagan niyo pa yung galit tapos magagalit din kayo. Gusto namin, yung mga promise niyo tutuparin niyo at wag na kaming saktan. Mahirap din kasi maging babae eh lalo na’t kagaya ng sinabi ko nung una, magugulo ang mga isip namin. Minsan kasi nararamdaman naming may pagkukulang kayo once na nakalimutan niyo kaming lambingin kaya ayun, kapag nasaktan na kami, asahan niyo, ayan na si tampo, ayan na si galit. Yun lang. Remember, wag nang dagdagan ang galit ni gf, SWEET WORDS, REAL PROMISES, LAMBING, KISS SA LIPS (pero prefer namin pag sa FOREHEAD), HUG. Yun lang.

  37. here den

  38. nice post.. i’m a girl at natatawa nalang ako kasi ganyan ako dati. pero ngayon nag improved na ako at naging maganda ang status ng relationship namin ng boyfriend ko. open communication lang dapat para maiwasan ang away. at sa mga girls naman,dapat maging open minded tayo para maiwasan ang sakit ng ulo at kunsomisyon. hehehe

  39. Just want to share 3yrs n kmi ng bf ko,and feeling ko pudpod na yung dila ko kakaremind sakanya ng mga ngagawa niang diko gusto.yes,nagsosorry siya but after ilang weeks ganon nnaman attitude niya,and again ireremind ko nanaman siya regarding sa attitude niya.bat ganon di niya matandaan eh for all I know paulit ulit lang rason bat kami nagaaway.bat ganon parang di nagsisink in sibasabi ko sakanya?

  40. Ganyan din aq before 9 yrs ago…buti nlng still single parin kaya di q na naii- encounter ganyang love problems…

  41. Hai, hindi nman lahat ng babae ganyan ang ugali bakit aqu ngayon ang nahihirapan sa relasyon namin, ng boyfriend ko, kasi chaka nlang niya sinabe na my anak na cya kong kailan mahal kona siya..matagal bago niya sinabe, masakit…ako palage ng intindi sa kanya…

  42. ganun bah un sana hindi nako makpag away ahil dapat pinAkikingan ko muna an cnasabi nya bago ko magalit d bah

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 27 other followers

%d bloggers like this: