Ang kantang ito na yata ang pinakamabilis kong natapos gawin, kasing isang araw bigla na lang pumasok sa utak ko yung konsepto at yung lyrics. Kinabukasan, natapos ko na din yung music at narecord ko na ng buo yung kanta. Medyo katulad din ng kanta kong Magkasama, na isang araw ay bigla na lang sumulpot sa isip ko.
Basically, ang kantang ito ay ang kwento ng isang lalaking nahihirapan sa relationship nila ng kanyang kasintahan, pero handa siyang ipaglaban ito at hindi nya ipagpapalit ito kahit na puro problema. Kaya naman dinaan na lang niya sa kanta ang kanyang nararamdaman.
Yup, tama kayo – based on experience to. Ako nga yung guy. 😀
Heto yung kanta kung gusto nyo pakinggan.. haha
http://www.youtube.com/watch?v=6uYLuSTCj64
Ating Kwento
Verse I:
Inaawit ko ang awit
Ng ating pagsasama
Kinakanta ko ang musikang
Lumulutang ‘pag ika’y kasama
Refrain
Minsa’y malungkot
Minsa’y masaya
Minsan may ngiti
Minsan ay may luha
Chorus:
Masaya, malungkot
Mahirap, nakakabagot
Ito ang nilalaman ng
Ating kwento
Pero kahit na ganon
Ay hinding hindi ko
Ipagpapalit ito
Sa kahit na ano
Verse II:
Hinihimig ko ang kwento
Ng lungkot at ligaya
Iniisip ko nakaraang
Pinagdaanan nating dalawa
repeat Refrain
repeat Chorus
<instrumental>
Last Chorus:
Masaya, malungkot
Mahirap, nakakabagot
Ito man ang laman
Ng ating kwento
Sana ay malaman mo
Na hinding hindi ko
Ipagpapalit ito
Sa kahit na ano
Outro:
Sa kahit na ano
Sa kahit na ano