Sorry Kung Lagi Kaming Nakakalimot

•September 14, 2016 • Leave a Comment

broken lightbulb

Creative visualization of forgetting

Panimula

Para sa mga babae, tanong ko lang, ilang beses na bang nalimutan ng BF/asawa nyo yung monthsary/anniversary/birthday/date nyo? Siguro at least once nakalimutan na nila ang isang mahalagang okasyon. Siguro rin naisip nyo na hindi nila pinapahalagahan yung relasyon nyo, hindi kayo importante sa kanila, at wala silang kwenta dahil nalimutan nila yun.

Well, una sa lahat, gusto kong sabihing sorry kung nakakalimot kami. Sorry kung madalas mangyari yun. Pangalawa, gusto kong malaman nyo na hindi namin sinasadya yun. Pwede mo ba namang sadyain na makalimutan ang isang bagay? Saka alam naman namin na magagalit kayo pag nakalimutan namin e, kaya bakit pa namin gagawin?

Continue reading ‘Sorry Kung Lagi Kaming Nakakalimot’

Ano Nga Ba Ang Effort?

•August 24, 2016 • 2 Comments
wasted effort meme

Effort unnoticed can sometimes feel like effort wasted (but not actually).

Panimula

Heto na naman tayo. Usapang effort na naman. May post na ko tungkol sa effort, pwede nyong basahin dito. Pero kung may post na ko tungkol dito, bakit meron na naman? Ewan ko rin e, gusto ko lang. Andami rin namang nagpopost sa mga social media ng tungkol sa effort e, kaya di mawala-wala sa isip ko. Haha. Simple lang ang gusto ko sabihin sa post na to – sasabihin ko sa inyo kung ano ang effort. Gaya ng ibang mga post, may definition din ako ng effort. Siguradong magugulat kayo pag nabasa nyo.

Continue reading ‘Ano Nga Ba Ang Effort?’

Mga Ineexpect Ng Mga Lalaki Sa Mga GF Nila

•February 29, 2016 • 5 Comments

do's and don'ts

Panimula

Ang tagal kong inisip kung ano nga ba ang tamang title sa post kong ito, pero wala talaga akong maisip, kaya ayan na lang. Title pa lang siguro alam nyo na kung anong sasabihin ko. Actually, madami sa mga sasabihin ko ay sobrang obvious na magtataka kayo kung bakit ko pa ba sinasabi yun eh dapat alam na ng lahat yun. Apparently, may mga babae pa ring hindi alam yung mga supposedly obvious na mga bagay na yun, kaya nandito ako para sabihin na sa kanila ng rektahan kung ano nga ba talaga yung mga dapat at di dapat gawin kapag may BF ka na.

Marami sa mga sasabihin ko ay applicable din naman sa mga lalaki, pero yung iba ay specific lang sa mga babae dahil na rin sa gender roles. Ang susunod na listahan ay hindi komprehensibo at hindi kumpleto. Eto lang siguro yung mga naisip ko na obvious, pero hindi masyadong common. Ano girls, handa na ba kayo? Sorry kung yung iba sa inyo alam na lahat ‘to. Haha.

Continue reading ‘Mga Ineexpect Ng Mga Lalaki Sa Mga GF Nila’

Bakit Hindi Ako Nanlilibre Ng Todo

•February 16, 2016 • Leave a Comment
Kung ganyan lang sana karami ang pera ko!

Kung ganyan lang sana karami ang pera ko!

Panimula

Kung kilala nyo ‘ko noon pa, siguro alam nyo na kuripot ako. Pero actually, hindi naman ako kuripot – wala lang talagang pera. Iba yung kuripot sa nagtitipid. Akala ko nung bata ako, mayaman kami. Hindi pala. Burgis lang pala. Hindi nga ‘ko bumibili sa canteen ng para sakin, manlilibre pa ko?

Totoo, nung elementary ako, hindi ako bumibili sa canteen dahil wala akong baong pera – puro pagkain lang. Nung highschool naman, hindi rin, dahil may baon rin akong pang recess at lunch. Bakit pa ko bibili? Iniipon ko na lang yung baon kong 20 pesos kada araw. Nung college na, dun lang ako nagsimulang bumili regularly. Kailangan e. Wala na kong baong pagkain. Puro pera na lang. Pero kahit nung college, matipid pa rin ako dahil di naman malaki ang baon ko, sapat lang. Kailangan ko pang ipunin yung tira para sa mga projects. Hindi ako humihingi ng pangproject o panggala – lahat kinukuha ko lang sa naipon ko galing sa baon.

Ngayong nagtatrabaho na ko, bihira pa rin akong manlilibre ng todo. Ang ibig kong sabihin sa “todo” eh ako lahat magbabayad. Usually, pag “nanlilibre” ako, ako lang magbabayad ng majority ng presyo, pero magbibigay pa rin yung mga kasama ko. Pero bakit? Bakit nga ba hindi ko na lang bayaran ng kumpleto?

Continue reading ‘Bakit Hindi Ako Nanlilibre Ng Todo’

Mga Dapat Mong Sabihin Pag Makikipagbreak Ka Na

•February 3, 2016 • Leave a Comment
Breakup

Breakup

Panimula

May mga taong darating sa buhay natin na darating ang panahon ay kailangan nating iwan. Isa na dyan ang ating mga naging BF/GF. Sa panahon ngayon, normal na ang magkaron ka ng maraming BF/GF (pero hindi sabay-sabay) bago ka magsettle down sa mapapangasawa mo. Rare na lang yung mala-fairy tale ang buhay at kung sinong first BF/GF nya eh sya rin yung mapapangasawa nya.

Sa bawat relationship na papasukin mo at iiwan, may breakup na magaganap. Mahalaga ito para sa tinatawag nilang closure. Parang malinaw sa inyo na tapos na kayo at pwede nang lumandi ng iba. Pero kung makikipagbreak ka sa syota mo, may mga advice ako sayo sa mga sasabihin mo at hindi mo dapat sasabihin. Handa ka na ba?

Continue reading ‘Mga Dapat Mong Sabihin Pag Makikipagbreak Ka Na’

Bakit Laging Kulang Ang Effort Ng Mga Lalaki

•January 25, 2016 • 3 Comments
effort shown by atlas

Ganito ang effort na usually gusto ng girls hehe

Panimula

Tuwing nagfefacebook ako, lagi akong nakakakita ng video ng lalaki na sinusurprise yung GF nya, na shineshare ng mga babae, na usually ay may caption pang “Sana ganito lahat ng mga lalaki”. Natutuwa sila dun sa effort ng lalaki, at the same time nadidismaya sila dahil parang wala na raw ganung lalaki. Wala na raw nag-effort ng todo. Marami na rin akong nakitang relasyon na natapos dahil sa “nagkulang sa effort” yung lalaki. Pero bakit nga ba? Bakit madaming mga babae ang nagsasabing habang tumatagal, kinakapos sa effort ang BF nila? At bakit nga ba mga babae lang lagi ang nagsasabi nito? Tara at samahan nyo kong tuklasin.

Continue reading ‘Bakit Laging Kulang Ang Effort Ng Mga Lalaki’

Sino Ang Dapat Sisihin Pag Nasulot Ang Girlfriend Mo?

•January 12, 2016 • Leave a Comment

10484523-large

Panimula

Ahasan. Agawan. Sulutan. One way or another, siguro alam nyo naman to, at nangyayari talaga to sa totong buhay. Kung hindi mo pa naexperience, congratulations dahil isang kang maswerteng nilalang. Pero hindi mo kelangang maexperience to para malaman na masakit ang masulutan. Most likely, hindi lang malungkot pag nangyari, galit ka rin. Galit ka dahil alam mong hindi tama. Ang pangit tignan. Usually, walang maayos na breakup at closure ang isang relationship kapag may naganap na sulutan.

Ang tanong lang eh saan mo ibabaling ang galit mo? Sino bang dapat mong sisihin? Sino nga ba ang talagang may kasalanan kapag nasulutan ka? Gagamitin kong example eh yung lalaking nasulutan ng GF, pero alam kong applicable din ‘to the other way around. Okay?

Continue reading ‘Sino Ang Dapat Sisihin Pag Nasulot Ang Girlfriend Mo?’