Bakit Mahirap Magpaalam Sa ka-M.U. Mo?

“Psst! May iba na ko!” and the subsequent reaction.

Panimula

Nangyari na ba sayo na may naging kaibigan ka, tapos naging close kayo at nagkapalagayan ng loob? M.U. kumbaga? Pero bigla na lang isang araw nagbago sya. Hindi na sya masyadong nagrereply, hindi na masyadong makwento at excited makausap ka, o kaya naman talagang biglang hindi na nagparamdam o binlock ka pa?

Kung nangyari na yun sayo, welcome kasi marami tayong nakaranas nyan. Halos lahat yun isa lang naman ang dahilan – may nahanap na silang iba. Either nagkaron na sila ng bf/gf o kaya naman e nakahanap na ng ibang ka-M.U. Ang tanong ko naman e, bakit hindi man lang sila nagsabi? Hindi mo alam kung naaksidente ba sila o nanakawan ng cellphone. Subukan nating alamin kung ano nga ba ang dahilan.

Walang Tayo

Aaminin ko na, hindi ko rin talaga alam kung bakit ganun tayo. Ang mga sasabihin ko lang e yung mga napansin ko, at mga teorya ko kung bakit nga ba ganun tayo. Sinasabi kong “tayo” dahil tingin ko halos naman lahat e ganun din ang gagawin. Kasama na ako dun, kasi guilty rin ako sa bigla na lang paglamig ng pakikitungo pero hindi nagsasabi kung bakit.

Ang pinakanaiisip kong dahilan kung bakit hindi na lang sabihin sayo ng ka-M.U. mo na “uy may bf na ko, so friends na lang muna tayo,” e kasi ang totoo wala namang kayo. Technically, friends lang naman talaga kayo. May halo man yang landian, pagde-date at kung ano pa, kung hindi kayo magbf/gf e di friends kayo. Yung M.U. na yan e unofficial term lang. Kaya nga “magulong usapan” daw ang meaning nyan diba? Kasi wala naman yatang magM.U na nag-usap na “uy M.U. tayo ha?”. Lahat ng nagsabing may ka-M.U. sila e sila lang din ang nagsabi nun.

Imagine-in mo ang sarili mo na may ka-M.U., tapos biglang may nakilala kang iba, at nagkainlove-an na kayo at eventually naging kayo na. Syempre hinayaan mo lang yun mangyari kasi hindi naman kayo nung ka-M.U. mo. Wala kang masamang ginawa at pwede naman talaga kayong makipagmeet sa iba. Ang tanong lang, papano mo sasabihin sa ka-M.U. mo na ayaw mo na? Na hindi na kayo M.U. kasi may iba ka na? Mahirap diba? Saka hindi naman kailangan, diba?

Ayaw Makasakit

Ayaw natin makasakit ng tao. Totoo naman siguro yun sa halos lahat satin. Isa rin siguro yun sa dahilan kung bakit ayaw natin magsabi. Parang tinatapos mo na agad yung isang bagay na hindi pa nga pormal na nagsisimula. Ang relasyon nyong nagsimula sa landian na dapat mauuwi sa seryosohan, eh natapos na sa landian. Tingin mo makakasakit ka ng tao kaya wag na lang. Pero sa hindi mo pagsabi, makakasakit ka rin naman pag nalaman nya, diba? So tingin ko ang mas pinipili na lang natin e yung mas less effort. Kung masasaktan lang din naman sya kahit anong mangyari, e di di ko na lang sabihin at hayaan ko na lang malaman nya ng kusa.

Pero syempre ayaw natin mangyari satin yun. Personally, mas gusto ko kung may magsasabi sakin na “Uy may bf na pala ko. Sorry.” Pero gaya ng sabi ko, naiintindihan ko yung mga tao kung bakit hindi nila sinasabi yun. Ilang beses na rin akong nakaexperience na may nakilala ako at naging kaibigan ko, kausap at kakwentuhan, tapos magiging close kami at naiisip ko na siguro nga may patutunguhan to, pero bigla na lang nawawala sya at hindi na nagrereply. Tapos pagcheck ko sa social media nya, malalaman ko na lang na may bf na pala sya, kaya hindi na nagreply. May iba pa na binlock ako.

Hindi naman ako nagagalit sa kanila. Natatawa nga lang ako lagi e, ang naiisip ko, “Ah, kaya naman pala nawala e. Sayang naman.” Ang nakakatawa pa dun e pag nagbreak na sila, usually biglang magpaparamdam na ulit sya na parang nanggaling lang sa bakasyon at kakauwi lang. Haha. Ok lang naman sakin yun, nakakatawa lang.

Awkward

Gaya ng sabi ko rin kanina, kung wala namang kayo at M.U. lang, wala kayong commitment at wala kayong responsibilidad sa isa’t isa. Walang official statement so malabo talaga kung ano kayo. Ayaw lang din siguro natin ng awkward situation na kapag sinabihan natin yung ka-M.U. natin ng “uy sorry, may bf na kasi ako kaya friends na lang tayo,” eh baka isipin nila na ang assuming naman natin, na ano akala natin, may gusto sya satin? Haha. Baka i-screenshot pa nya yung message mo at pasikatin ka sa social media dahil masyado kang assuming. Kahit gusto ko sumikat, ayoko naman sumikat dahil sa mga ganung klaseng post. Haha.

Huling Salita

So ano ba ang natutunan natin? Na mahirap magsabi sa ka-M.U. mo na hindi na kayo M.U. kasi may iba ka na. Mahirap dahil di mo naman talaga alam kung ano kayo at anong nararamdaman nya sayo.

Siguro wala na tayong magagawa dun. Kung gusto mo umiwas ka na lang sa M.U. at subukan mong lagyan ng label lahat ng relationship mo. Pero yun mismo e mahirap din e. Mahirap kaya magtanong ng “so, ano ba tayo?”. Sobrang awkward nun kung friendly lang pala talaga sya sayo at inakala mo namang M.U. kayo. Haha.

So sa lahat nating nakaranas ng ganun, na iniwan sa ere at biglang binlock at kinalimutan, wag na lang tayong mastress. Isipin na lang natin na wala na rin syang magawa kundi yun. Pero advice ko lang sa mga mang-iiwan ng ganun, sana gawin nyo man lang obvious na may iba na kayo. Sana may post sa fb na “is in a relationship” o kaya naman casually mo banggitin na “ah kasama ko yung bf ko kumain kagabi”. At least yun nasabi mo ng walang potential awkward moment. Hehe.

Naalala ko tuloy yung nangyari sakin na ganun. Nung umpisa nagchachat kami regularly, nagkakamustahan, nagkukwentuhan, etc. Tapos isang araw bigla na lang ang dalang na nya magreply, hindi na nagkukwento at nagrereact na lang sa mga kwento ko. Ang slow ko dahil chat pa rin ako ng chat, at inisip ko lang na baka busy sya kaya di makareply. Sya rin mismo sabi nya sorry daw dahil busy sya. Nagsinungaling pa nga. Haha.

Anyway, after ilang weeks, naisipan kong icheck yung fb nya at wala naman akong nakitang kakaiba, wala namang sign na may bf na sya. Pero gamit ang aking malupit na investigative skillz, nakita ko na may post about relationship goals na nagcomment sya, at may tinag syang lalaki. Tinignan ko yung account nung lalaki, at nakita ko na may post sya about dun sa girl, na parang “she’s the best thing in my life”. Marami pang ibang post at obviously, boyfriend sya nung babae. Dun lang umilaw yung bumbilya sa ulo ko at natawa na lang ako sa narealize ko. Grabe sayang naman yung ilang weeks na pagchachat ko sa isang taong ayaw na pala ko kachat. Haha. Pero ok lang naman. Gaya ng sabi ko, naiintindihan ko naman. Haha.

P.S. Please like my facebook page: Maynard Landrito Writer

2 thoughts on “Bakit Mahirap Magpaalam Sa ka-M.U. Mo?

  1. Yun din ang iniisip ko, Mag-iisang-taon-na-san-ba-patungo-ito? Pero siguro nga, magkaibigan lang talaga kami? Pero alam mo yun? Gusto ko ng tapusin at magkalinawagan na? (sanay ako sa mga taong nang gghost kapag hindi nila nakukuha yung gusto nila. Hahaha)

    LOL DAMI KONG NASASABI HAHAHA

Leave a comment