Secrets to Happiness

Pano nga ba maging ganito kasaya lagi?

Panimula

Siguro isa sa mga ultimate goals natin bilang mga tao dito sa mundo e ang sumaya. Syempre ok rin kung mabago natin ang mundo at maimprove ito o mag-iwan tayo ng magandang legacy na maaalala kahit wala na tayo, pero ang pinakabasic na gusto natin e ang sumaya.

Marami na kong nabasang mga article at mga kwento na nagbibigay ng tips kung pano nga ba sumaya sa mundong parang lagi kang gustong tapakan at pahirapan. Pero madalas sa mga yun e philosophical lang ang malabo. Yung tipong “It’s not about material things” at kung anu-ano pa. Ok din yung mga yun pero tingin ko mahirap naman iapply yun sa totoong buhay. Kung dati gusto mo ng mamahaling cellphone, kelangan ba biglang ayaw mo na nun kasi hindi sa material things nahahanap ang kasiyahan? Mahirap naman yata biglang ayawan o kalimutan ang isang bagay na matagal mo nang gusto.

Kaya naman narito ako para magbigay ng sarili kong mga tips kung pano ba sumaya. Actually, ang tips na to e kung pano ba mamaximize ang pagiging masaya. Pano mo magagawang matagal kang masaya at hindi panandalian lang? Kasi ang totoo, hindi lang maging masaya ang goal natin. Siguro naman naging masaya ka na kahit isang beses lang sa buhay mo. Ang totoong goal natin e maging masaya at much as possible.

So ano, handa ka na ba sa mga practical tips ko?

Continue reading “Secrets to Happiness”

Magmahal Ka Lagi Na Para Bang First Time Mo

first love
First Love. Kung pwede lang lahat ng love natin e parang first love.

Panimula

Sabi nila, first love never dies. Pero bakit nga ba? Bakit ba special ang first love? May kaibigan ako na hangang hanga ako sa kanya dahil sa first love na yan. Gusto mo bang malaman ang kwento nya?

Continue reading “Magmahal Ka Lagi Na Para Bang First Time Mo”