Should Girls Make The First Move?

Short Answer: Yes. Why? Read on.

Panimula

Ah yes, the first move. Dito nagsisimula ang lahat. Kahit paano pa man kayo nagkakilala o nagkita, kailangang may maunang magsalita, magpakita ng motibo, magparamdam ng feelings at magrisk na magmukhang tanga. Para sa mga traditional, isa lang ang dapat na mauna, at kami yun. Kaming mga lalaki ang dapat na magfirst move, kung makikinig kami sa mga nanay at tatay at mga lolo’t lola namin. Pero sa panahon ngayon, kelangan pa rin ba na laging lalaki ang mauna, o okay lang kung minsan ang babae naman ang maging aggressive?

Old School

Lumaki akong medyo old school. Naniniwala ako noon sa mga traditional na pag-iisip, gaya ng kailangang magsibak ng kahoy ng lalaki kapag nanliligaw, o kaya naman mangharana o kung ano pang makalumang style noon. Pero syempre kailangan rin mag-adjust para sa makabagong panahon, kaya naman imbis na ipagsibak mo ng kahoy eh igagawa mo na lang ng project at imbis na haranahin mo eh magrerecord ka ng kanta at iuupload mo sa youtube, facebook o soundcloud. Haha.

Bukod sa mga to, isa siguro sa pinakalumang kaisipan tungkol sa pagrerelasyon ng babae at lalaki ay kung sino ang dapat maghabol at kung sinong dapat na hinahabol. Ang mga babae raw e dapat na steady lang at maghintay lang sa kanilang prince charming, at kaming mga lalaki naman ang syang maglalakbay at maghahanap ng babaeng aming liligawan. Hindi ko alam kung bakit ganito, pero dahil ganito ang kinalakihan ko, tinanggap ko na lang.

Maraming beses ko nang narinig noon pa yung mga usapan ng mga babae kapag may nabalitaan sila na babae ang nag-first move. Siguro kaya marami pa ring ayaw nito, dahil parang ambaba ng tingin sayo ng mga tao. Kesyo malandi raw kasi sya pa unanng nagpakita ng motibo. Pero ang tanong ko, ano bang masama? Bakit ba parang negative sa babae yun? Dahil lang ba sa lipunan natin? Dahil sa tradisyon? Dahil yun ang nakasanayan? Kung yun lang ang dahilan, eh wala naman pala talagang dahilan para matakot ang mga babae. Aba dati nga kapag hinawakan ang babae ng lalaki eh kasalan na agad. Pero ngayon ano? Kung anu-ano nang nangyayari pero hindi na pinipilit ikasal. Kasi naman, hindi praktikal. Sigurado akong ganyan din ang mangyayari sa pag-first move ng mga babae.

Benefits

Kung darating tayo sa punto kung saan pwede nang mag-first move ang mga babae, at pwede na ring sila ang manligaw, o pumorma o kung ano pang pang-aakit na tulad ng ginagawa ng mga lalaki, I think the world would be a better place. Haha. Seryoso. Una, para saming mga lalaking torpe o introvert o sadyang hindi lang magaling makipag-usap at magpapogi sa mga babae, pwede na rin kaming makahanap ng babaeng gusto kami. Sigurado akong maraming lalaking may gusto sa isang babae pero sa sobrang torpe eh walang magawa, at ito namang si babae ay gusto rin si lalaki, pero dahil nga babae, ay wala ring magawa. Kawawa naman sila. Sigurado rin akong maraming babaeng kahit isang beses lang ay sumagi na sa isip nila na “shet, kung pwede lang eh ako na ang manliligaw sa kanya!”. Well girls, isipin nyo na lang, pwede naman eh! Haha.

Pangalawang benefit eh mas makakapili ang mga babae. Alam kong may advantage kaming mga lalaki dahil makakapili kami ng liligawan namin. May choice kami. Pero sa mga babae, kung ang gagawin nyo lang eh maghihintay ng manliligaw, wala kayong kontrol. Pano kung puro hindi nyo type ang nanliligaw sa inyo? Anong mangyayari sa inyo? Kaya naman ok rin na magtake control ng love life nyo. Kung lahat ng manliligaw mo eh olats, at yung crush mo eh parang walang balak na ligawan ka o kahit man lang pansinin ka, aba sige na, gawan mo na ng paraan. Kung ang lalaki pwedeng mag try and try until we succeed, gusto ko kayo rin.

It’s Happening

Siguro napansin nyo na nagsimula na tayong mapunta sa ganung state ng society. Kung titignan mo, usong uso na ang pagpapacute ng mga babae. Kung dati puro pasimple lang at patagong maghahayag ng pagtingin, aba ngayon mas open na ang mga babae. Nagttweet o nagpopost na na viewable ng public at minsan naka-tag pa yung crush nya. Haha. Marami na rin akong nakilalang mga babaeng hindi takot umamin sa kanilang crush (nung high school ako marami akong nakilalang ganyan) so pakiramdam ko talaga na we’re on our way.

May mga magsasabing masama ito para sa ating lipunan. Nakakababa raw ng dignidad at respeto sa babae. Nawawalan ng finesse at poise ang mga babae. Nagiging parang malandi. Sa mga nagsasabi at magsasabi nyan, bahala kayo sa buhay nyo. Haha! Girls, wag nyong pakinggan yang mga taong yan, dahil hindi naman dun masusukat ang dignidad at respeto sa isang tao. Saka iba naman yung gumawa ka ng first move o pumorma sa lalaki kumpara sa ibigay mo na agad ang lahat lahat. Haha. Syempre kailangan pa rin ng konting pakipot. Konti lang. :p

Sa mga nag-iisip na torpe lang kasi ako o tamad mag-effort, ewan ko. Siguro tama kayo. Pero isipin nyo, bakit naman hindi? Babae lang ba ang may karapatang maupo lang dyan at maghintay? Para saming mga torpe, introvert o hirap “kumonek” sa mga babae, why not give a chance na yung mga babae naman ang magtry? I mean gagawin rin naman nila yun ng kusa, wala namang pilitan. I just want everyone to have a fair shot. Pasensya na po sa mga gwapo at hearthrob na dismayado sa mga sinabi ko. Alam ko kasi may mga lalaking mababa ang tingin saming mga lalaking walang “game” o yung hindi makaporma ng maayos sa mga babae.

Last Words

Inuulit ko, simple lang ang sagot sa tanong ko – dapat ba o okay lang ba mag-first move o pumorma o magpakita ng motibo ang babae sa lalaki? Oo. Dahil wala namang masama rito. Yung mga “masama” na naiisip mo at ng ibang tao, eh sa isip lang nila yun. Eh ano kung ikaw ang nanligaw sa bf mo? At least nakuha mo yung gusto mo at hindi ka nagsettle sa mga manliligaw mong hindi pasado sa standards mo. 

Kung matatanggap ng lipunan natin ang pag-approach ng babae sa lalaki, things will be different. Would it be better? I’m not sure, in general. But for frustrated girls and torpe guys, it may just be what we need. Kung sa boys madalas sinasabing wala namang mawawala kung magtry, girls, sa inyo rin walang mawawala. 🙂

Pano Kung Magbago Siya?

Panimula

Noong  highschool ako, nagkaroon ako ng best friend. At Syempre, naging close kami. Lagi kaming sabay magrecess at maglunch, at laging kaming nagkkwentuhan. Pero pagtagal, may nakilala akong ibang mga kaibigan at nahati ang oras ko. Nagtampo ang best friend ko, at sinabi nya sakin na nagbago na raw ako. Hindi naman ako tumanggi, dahil alam kong nagbago na nga ako. Ang tanong ko lang, ay bakit ganun kasakit para sa ibang tao kapag nagbabago ang isang tao. Simula noon, marami pang pagkakataon na may nakita o nalaman akong mga nag-away o naghiwalay dahil ang sinasabi ng isa e nagbago raw ‘yung isa. Isa ito sa mga madalas na dahilan kung bakit naghihiwalay ang mga magkasintahan. Sigurado ako nakarinig na kayo nito kahit isang beses lang, kahit sa pelikula lang- “Nagbago ka na! Hindi na ikaw yung dating <insert name here> na nakilala ko! Anong nangyari sa’yo?! Huhuhu.” (Madalas yung babae ang nagsasabi nyan, pero hindi ‘yun ang point ko dito :p) So fast forward sa ngayon, at hanggang ngayon may tanong pa rin ako. Papano nga ba natin dapat harapin ang pagbabago ng isang tao na malapit sa atin? Para simple, sabihin na lang natin na sa bf o gf natin nangyari ‘yun. Pano kung may gf o bf ka, at napansin mo na nagbago na s’ya simula nung unang naging kayo? Ano nga ba ang gagawin mo? Dalawa lang ang naiisip kong sagot – pwedeng magalit ka o magtampo at sabihin mo sa kanya na nagbago na s’ya, at baka matauhan s’ya at ibalik nya sa dati ang sarili nya. Pwede rin namang tanggapin mo na lang at ikaw ang mag-adjust sa pagbabago nya. Tignan natin ang bawat isa at kung ano nga bang posibleng dahilan kung bakit ito ang ginagawa ng ibang tao.

Wag Kang Magbago

Maraming beses ko na itong narinig, kung kani-kanino. Si babae at si lalaki ay nagmamahalan. Pero nagbago si lalaki, at hindi na kasing sweet, kasing effortful at kasing dedicated tulad ng dati. Si babe ay magtatampo at maiiyak, dahil parang ibang tao na ang kasama n’ya. Hindi ito ‘yung lalaking sinagot nya noon. Masakit isipin, at madaling maintindihan kung bakit ganun na lang ang reaksyon ni babae. Isipin mo, pano kung bumili kang ng orange juice, pero paglipas ng ilang araw ay naging ampalaya juice? Mapait at walang kwenta? Ayan gets mo na? Siguro lahat tayo magagalit o malulungkot dahil nag-iba na ang juice na binili natin. Ang gusto ko ay orange juice, pero bakit naging ampalaya juice? Pero isipin mo, ganun ba talaga ang tingin mo sa gf o bf mo? Parang juice na hindi dapat magbago ng flavor? Kung paano s’ya nung naging kayo, kailangan ganun pa rin hanggang magpakailan pa man? Mahirap sumagot, pero alam nyo na siguro ang sinasabi ko. Ayaw naman natin magbago ang isang tao. Ang totoo, ayaw natin magbago ang kahit ano. Pero, ayaw lang natin nun kung mas masama ang kapalit. Ayaw natin lumiit ang allowance natin, ayaw natin matapos yung paborito nating palabas sa tv. Ganun din sa bf o gf natin. Ayaw nating magbago s’ya. Ayaw nating mawala ang sweetness nya. Ayaw natin maging busy s’ya at mabawan ang oras para satin. Anong gagawin mo pag ganun? Kung wala nagbago na s’ya at wala ka nang nagawa? Pipiligan mo ba s’ya? Pipilitin mo bang ibalik nya ang sarili nya sa dati? Siguro oo, dahil puro ganun ang naririnig ko. “Magbabago ako,” madalas na sinasabi ng mga lalaki. Pero sinasabi lang namin ‘yan kapag sinabihan nyo na kami na nagbago na kami. Kung iisipin, tama lang naman. Bakit naman kailangang magbago ng isang tao kung tinanggap mo naman s’ya bilang ganun dati pa? Kung noong simula pa lang ay naninigarilyo na ang bf mo, bakit ka naman magagalit sa kanya kung hindi s’ya nagbago at itinigil ‘yun? Except na lang kung pinangako n’yang ititigil nya ‘yun kapag sinagot mo s’ya. So paano nga? Magbebreak na ba kayo kapag hindi nya naibalik ang sarili nya? Siguro kailangan muna nating tanggapin na ang isang tao ay hindi nagbabago ng sinasadya o ginugusto n’ya. Hindi naman s’ya nagising isang araw at sinabi sa sarili nya “Simula ngayon, hindi na ko magiging sweet at hindi ko na masyadong bibigyan ng panahon ang gf ko.”

Tanggap Ko

Sa kabilang dako ng mundo, may mga tao namang kabaliktaran ang ginagawa. Sila yung mga taong tinatanggap lang ang lahat ng pagbabago na nangyayari sa bf o gf nila.  Sila rin ‘yung madalas na tinatawag na “martir”, dahil hindi sila nagrereklamo. Kahit na nahihirapan na sila at nasasaktan, tinitiis lang nila at tinatanggap ang lahat. Masisisi mo ba sila?Maraming dahilan kung bakit nila ginagawa ‘yun. Ang totoo, pwede kong palabasing maganda o hindi ang ginagawa nila. Pwede kong sabihing niloloko lang nila ang sarili nila at hindi nila mahal ang mga sarili nila, dahil kahit inaabuso at inaapi na sila at mahal pa rin nila ang isang tao. Siguro nakapanuod na kayo ng ganung kwento – kahit na basagulero at nananakit ang bf o asawa n’ya, mahal pa rin nung babae ‘yung lalaki. Magtataka ka kung bakit ganun. Minsan hindi lang “martir” ang tawag sa kanila, kundi “tanga”. Sa kabilang banda, pwede ko rin namang sabihing sila ang mga tunay na nagmamahal. Sila ang nagmamahal ng wagaas at walang dahilan. Sila ang handang tanggapin ang pagkatao ng isang tao, kasama ang lahat ng mga masasamang pagbabago dito. Kung iisipin mo, hindi ba tama naman na ganito ang gawin nila? Hindi ba’t kung mahal mo ang isang tao ay mamahalin mo sila ng buo kahit pa man magbago sila? Siguro iyan ang nasa isip ng mga “martir” na sinasabi ko.

So Ano Na Nga?

Matapos ang lahat ng sinabi ko, ano na nga ba ang sagot? Ano ba talaga ang mas tama? Bilang isang tao, kailangan bang pigilan mo ang sarili mong magbago, alang-alang sa taong mahal mo? Dapat mo rin bang pigilan s’ya na magbago? At kung magbago man s’ya, sasabihan mo ba s’yang bumalik sa dati kundi hindi mo na s’ya matatangap? O baka naman gusto mo magpakamartir at magpakatanga at tanggapin lahat ng pagbabago sa kanya? Kung dati twice a week kayo magkita, at ngayon ay once in 2 weeks na lang, papayag ka ba o tanggapin mo na lang? Kung dati’y lagi kayong nagtetelebabad sa cellphone, at ngayon at hanggang text na lang kayo, magtatampo ka ba at pagagalitan s’ya, o tatanggapin mo na talagang nagbago lang s’ya? Naiinis na siguro kayo dahil hindi ko sinasagot ang tanong ko. ‘Yun ay dahil ayoko sagutin ang tanong ko. Walang tamang sagot. Kahit ano man ang sabihin ko, hindi naman ‘yun applicable sa lahat, at sa huli, nasa sa iyo pa rin kung ano ba ang gagawin mo, base sa pagkatao mo. Pero kahit na ganun, sige eto na, sasagutin ko na ang tanong, pero tandaan n’yong  pananaw ko lang naman ‘to. Una sa lahat, siguro naman nagkakaisa tayo na kung mahal mo ang isang tao, mahal mo ang pagkatao nya. At least kung ano man s’ya nung naging kayo. Ang tanong lang naman talaga rito ay kung kasama ba sa pagmamahal ang pagtanggap sa pagbabago ng isang tao. Kung minahal mo s’ya dahil sweet s’ya, at pagtagal ay nabasawasan ang pagiging sweet na ‘yun, mamahalin mo pa ba s’ya? Para sa sakin ay syempre naman. Tingin ko kasama ko dun sa pangalawang klase ng mga tao. Ayoko tawagin ang sarili kong martir (dahil hindi naman), pero ako yung taong mas tatanggapin ko na lang ang pagbabago ng isang tao kaysa pigilan s’ya o piliting ibalik s’ya sa dati. Tinatanggap ko na ang lahat ng tao ay nagbabago, pati ako. Alam ko rin na hindi naman natin pinlano kung ano ang mga pagbabago sa’tin, kaya sigurado akong hindi din nya pinlano ‘yun. Pero syempre, may hangganan ang lahat. Siguro matatanggap ko kung tumabang ang orange juice ko at kahit maging ampalaya juice ito, hahanapan ko ng bright side at iisipin kong maganda sa kalusugan at nakakababa ng blood sugar. Pero sa huli, hindi ko rin kayang lokohin ang sarili ko. Hangga’t kayang tanggapin, tanggapin. Hangga’t maaari, mag-adjust tayo para makibagay sa pagbabago ng ating kasintahan. Kung naging busy s’ya sa school o trabaho, ok na siguro yung di masyadong nagkikita. Basta nagkikita pa rin at ang bawat pagkakataon ay susulitin. Pero kung sa sarili mo ay alam mo na hindi mo na kayang mag-adjust para sa kanya (at sinubukan mo na), siguro ay hindi na rin tamang pilitin pa at magpaka-“martir”.

Huling Salita

Sa pinagkahaba-haba ng sinabi ko, alam kong naguguluhan pa rin kayo, at pati ako. Pero ang maipapayo ko lang sa inyo ay subukan nyong i-balance ang dalawang choices. Kung napapansin mong nagbabago na s’ya, hindi naman siguro masamang ipaalam sa kanya. Huwag ka muna magalit at magtampo. Huwag mo rin s’yang pagalitan. Siguro pwede mong sabihing “napansin ko na hindi na tayong masyadong nakakapagkita. Naiintindihan ko naman, kaya sulitin na lang natin ang bawat sandali tuwing magkikita tayo.” Maaring sabihin sa kanya na hindi ka komportable sa pagbabago nya, pero hayaan mo s’yang baguhin ang sarili nya kung gusto o kaya nya. Lahat ng tao nagbabago, pati ikaw, at isipin mo rin kung ano ang mga bagay na tinanggap nya sa’yo at ang mga pagbabago mo. Sa huli, nasa balance lang yan. Mahalin mo s’ya at subukan mong intindihin ang mga pagbabago sa kanyang pagkatao. Tignan mo kung kaya mong tanggapin at subukang makisabay. Pero kung hindi mo kaya, ikaw na ang bahala kung gusto mo magpakamartir. Sa isang relasyon, hindi lang kailangang mahal n’yo ang isa’t isa. Kailangan ding alam nyo kung anong ibig sabihin ng pagmamahal na ‘yun. Huwag n’yo ring kalimutang mahalin ang sarili n’yo. Huwag mo nang itanong kung magbabago ba s’ya, kasi halos sigurado na ‘yun. Ang tanungin mo sa sartili mo ay kung anong gagawin mo kapag nangyari na ‘yun. Salamat sa pagbabasa. 🙂

Conversations with Myself – Is Courtship Needed?

Topic: Is courtship still needed and relevant these days?

Characters: Kulot and Nard

Conversation:

Kulot: So let’s talk about courtship. I mean, nowadays, things are going so fast that courtship is impractical. Why would you even court someone if it takes only a week and if your relationship lasts for only a month?

Nard: Well I think you’re generalizing too much. There are still courtships that last for months and even years, and relationships that last even longer. Besides, it’s part of our culture to court a girl first.

Kulot: The point is that our culture is slowly shifting away from that idea. Courtship is really becoming more and more irrelevant. Besides, why do you need to even bother with that if you can go ahead directly into the relationship?

Nard: Think of it as a test drive. The guy has to prove something to the girl first before the girl gives him her love, right? It’s also part of the getting-to-know each other stage. Guys are also forced to be nice in this stage, otherwise the girl may reject him.

Kulot: You can always get to know each other even without the courtship. That is exactly the thing that differentiates it from other stages – the fact that the guy has to be extra nice to the girl. I mean, why do we need to undergo that stuff? Isn’t there gender equality in our society? I mean why do we need to sacrifice and pay for everything and stuff like that?

Nard: Because other people will. Because it’s part of being a guy. Because it allows us to be more sensitive to the girl’s feelings. Because it gives us valuable experience in being extra understanding. Being forced to be nice may seem unfair, but that maybe so because we guys are unfair. We are always the leader of the relationship. We are always the boss. Courtship allows us to experience being under, letting the girl be the boss.

Kulot: Not all of us are such bad guys. Some are equals with the girl, therefore why the need for courtship if we’re equals all along? Why do you have to experience being under and then advance to being equals? Isn’t that unfair for us guys?

Nard: Well, it can be kind of unfair, but at least the relationship will be much more worth it if you had a hard time in courtship. The experience is very valuable. The harder and longer the courtship, the more you’ll treasure the resulting relationship. It allows you to think about how much you’re willing to sacrifice for love.

Kulot: Yeah whatever. I still say you can get along and do all of those without the actual courtship.

Nard: If you can get all of those without actual courtship, then why not? But I still say its nice to be able to say “I courted her for 7 months!” 😀

Conversations With Myself – Money

Hi guys! Matagal ko nang kinakausap ang sarili about anything and everything. I noticed na minsan interesting naman ang usapan namin, so I’ll share it here. Ok?

Characters (Different Versions of me):
Kulot – The pessimistic, realistic “bad” guy. Always questions stuff and wants the negative stuff. He does give reason for his words, though.

Nard – The optimistic, idealistic “good” guy. Sometimes he seems too “innocent” of the world and the realty of life but also reasons with his words.

We don’t realy know who’s good or bad. They have their reasons. So without further ado:

Kulot: So Nard, lets talk about money. We’re having less and less lately.
Nard: Yeah. So what? It’s not like we’re dying ‘coz of that.

Kulot: Not YET, but we will. Don’t you see it’s very important? It makes the world go round!
Nard: Maybe for you, but not for me. I can always have have fun without money.

Kulot: I’m not talking about fun. I’m talking about needs like food, etc.
Nard: We have money for food and others. Just enough for them.

Kulot: Yeah, but what kinds of food? The cheap ones that don’t taste good? Dude, we need to eat delicious stuff, too.
Nard: Don’t worry, when we start working and earning money, then it won’t be a problem.

Kulot: Are you sure? I notice that the more money we have, the more problems we acquire.
Nard: But at least you can buy the foods. Besides, those problems can be avoided. It’s not the money, its the person.

Kulot: Whatever. So money is important, right?
Nard: Yeah, in a way. I mean, let’s face it: we do need money to survive. But we don’t have to waste our time thinking about it.

Kulot: So do you want some? Coz I do. I want a lot of it. I want to buy stuff.
Nard: I want some, too. But just right. I want to buy stuff, too, and then use them.

Kulot: So there’s not much argument here, is there? We both say that money is important?
Nard: I guess so. It’s just more important to you as it is to me. :p